Araw-araw, may bagong nangyayari sa mga buhay buhay natin.
Ni wala tayong kaalamalam,
ginagawa na pala natin ang mga bagay na dapat di natin sinasali sa daily routine natin
siguro, isa sa mga reason bakit nagkakaganun tayo
its because nakakalimutan na natin yung mga kulturang kinalakihan natin
kaya ito, para ma refresh kayo.
Sasampulan ko kayo ng mga salawikain.
Salawikain na dapat natin isa buhay.
Basahin ng maayos, at intindihin
at huwag ka ng pumalag
lugar ko toh.. Reader ka lang hahaha!
Ang hindi marunong lumingon sa pinanggalingan, may stiff neck.
Ang lumakad ng matulin... ang syang natatae.
Ang batang tahimik at hindi kumikibo, naka Slient mode.
Magbiro kana sa lasing, magbiro kana sa bagong gising, huwag lang sa lasing na bagong gising.
Paru-paru man sa langit, batuhin mo..tsak! Patay
Huwag kang magbilang ng manok kung ang alaga mo ay Alien.
Walang matigas na tinapay, sa gutom na gutom na tao
Kapag maikli na ang kumot, pang head dress na ito
Ano man ang gawin mo, maganda, at gaganda ka parin
Aanhin mo pa ang kabayo, kung ganito na ang uso
Hindi lahat ng kumikinang ay ginto.. Muta lang yan.
Ang hindi marunong magmahal ng sariling wika, sa Singapore lumilipad.
Ang taong gipit, sa ugat ng balite kumakapit.
Hindi lang puro kanin at ulam ang pwedeng kainin.
Aanhin mo ang damo kung ang garden mo ay sementado
and lastly,
kung di mo man ako kayang patumbahin, umiyak ka nalang.
Thank You! hahaha!
No comments:
Post a Comment